Chapter 82

2216 Words

ISANG linggo nang nakakalipas simula nang umalis si Saddie sa siyudad para manirahan muna sa Recidencia Del Laurel na isang nature resort na pagmamay-ari ng kanyang ama. Hindi madali kay Saddie ang lahat, ang pagkawala ng kanyang anak, ang paghihiwalay nila ni Maven at mga problemang pinagdaanan niya roon. Minabuti niyang sundin ang payo ng therapy doctor niya na lumayo na muna sa siyudad. May mga gabing nagigising si Saddie mula sa masamang panaginip, makikita na lamang niya ang kanyang sarili na tulala at minsan ay lumuluha ng walang dahilan siguro’y dahil hindi pa rin nawawala ang bigat na nararamdaman ng kanyang puso, naroon pa rin ang sakit at hindi iyon basta mawawala. Naroong tumutulong lang siya sa mga hardinero at manggagawa na nagtatrabaho sa Del Laurel kahit pa hindi naman kai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD