NAGISING si Saddie na mabigat ang pakiramdam, namumugto ang kanyang mga mata at ilang saglit lang nang sumagi na naman sa kanyang alaala kung paano nawala ang anak niya sa kanyang sinapupunan. Hindi niya maiwasang sisisihin ang sarili, kung hindi niya iniisip si Maven baka hindi ito nangyari at baka buhay pa ito. Muli na naman siyang napaluha, naghalo-halo ang kanyang emosyon sa sarili, kay Maven at sa lahat. napalingon siya sa kanyang ina na mahimbing na natutulog sa tabi niya, kagabi pa siya ayaw nito iwan. Naroon din si Mr. Jacos sa sofa ng silid na mahimbing din natutulog na halos madaling araw na nakatulog sa pag-aalala sa ayaw niya pagtahan para lang mapakalma siya. Gusto niyang magpasalamat narito sa tabi niya ang kanyang mga magulang pero hinahanap-hanap pa rin ng konsensya niya a

