"If something happens papasok ako sa loob para puntahan ka, you know that I'm always here for you," wika ni Seven sa driver seat nang maipara nito ang kotse sa isang local coffee shop kung saan pinapapunta ni Maven si Saddie para sa importanteng bagay. "Thank you," sabay tango ni Saddie at lumabas na ng kotse. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at hindi alam kung paano papakalmahin ang sarili. 'Kaya mo 'to, Saddie, huling pagkikita na ninyo 'to and nothing gonna happen, tatagan mo lang ang loob mo,' bulong ni Saddie sa kanyang isipan. Ilang beses pa niyang pinakalma ang sarili bago siya tuluyang naglakad papasok sa loob. "Good morning, ma'am," bati ng waiter na nasa counter. One thing na napansin ni Saddie walang katao-tao sa loob ng coffee shop. The color of the coffee shop from the ou

