"Umuwi ka na sa inyo," malumanay na wika ni Maven. Hindi maintindihan ni Saddie kung ano ang ibig sabihin ni Maven. Tatalikod na sana si Maven nang hawakan ni Saddie ito sa kamay para pigilan ngunit mabilis na inagaw ni Maven ang kamay niya kaya mas lalong nabigla si Saddie. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya at hindi mapigilang mag-alala. 'Hindi 'to maari,' sa isip-isip ni Saddie. "Hindi kita pwedeng iwan dito, kung may nasabi man ako na hindi mo nagustuhan I'm sorry, hindi ko sinasadya, pero hindi ako pwedeng umuwi o umalis, kailangan kitang alagaan, tutulungan kita hangga't sa makabalik yung mata mo, I promised, we promised na hindi tayo mag-iiwanan sa eri kahit na anong mangyari, kaya natin 'to, pagsubok lang 'to, diba? Maven…" "Hindi ko na kaya, please stop na, Mav." "No, Carm,