HINDI mawala sa isip ni Saddie ang offer pa rin sa kanya ng H&L, nakatitig siya sa calling card na binigay sa kanya pero hindi man niya magawang matawagan para sabihing i-decline ang offer. Huminga siya ng malalim at hinayaan lang niya ang mga kasama na mag-usap tungkol sa product na napili niya. Nag-excuse siya saka siya pumunta sa may bintana, grabe ang kaba niya habang dinadial ang phone number ng kompanya. Nanginginig ang kamay niyang tinapat ang phone nang may agad na sumagot sa kabilang linya ng isang lalaki. "Hello, this is Jacos Laurel speaking, who is this?" Kung hindi ito magpapakilala hindi niya agad makikila ang raspy and deep voice ng lalaki. Ngunit ang hindi inaasahan ni Saddie na mismong CEO ng H&L ang makakausap niya. "Good day, sir, this is Saddie Villegas po…" nahihi

