'Isipin muna lang, Saddie, na pagsubok lang ito at may dahilan ang lahat,' sa isip-isip ni Saddie habang nasa loob siya ng coffee shop sa tapat ng IWS building. Hindi maintindihan kung papasok ba siya o uuwi na lang uli sa bahay niya. Ilang araw pagkatapos ng seminars matindi niyang pinag-isipan ito, hindi pa siya pwedeng mag-chance career or path at mas lalong hindi niya kayang magbayad ng kalahating milyong penalties kung aalis siya na hindi tapos ang kontrata, may pambayad siya galing sa ipon ngunit hindi niya kayang isugal ang ipon niya para lang makapagpalit siya ng career at umalis. Kailangan pa rin niya iyon kung sakaling magkaroon ng biglaang emergency alam niyang may pagkukuhaan siya ng pera. Hindi pa naman siya late nong umaga na iyon pero marami-rami na rin ang lamas-pasok s

