Chapter 52 SABADO at mas madalas na late nang gumigising si Saddie. Alam din iyon ng ina niya dahil kabisado na nito na masyado itong abala sa maghapon sa buong linggo at ito ang pahinga ni Saddie. Hindi niya inaasahan na may kakatok sa pinto nang silid niya para gisingin siya. Hindi niya maiwasang hindi mainis at tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa mukha nang magising ngunit nakapikit pa rin ang mga mata at para bang ayaw niyang idilat ang mga ito dahil balak pa niyang bumalik sa pagtulog. “Saddie, anak, gumising ka na,” wika ng ina niya mula sa labas. Napakunot-noo siya. “Inaantok pa ako!” sigaw niya pabalik kaya bumalik siya sa pagkakatago sa silid. May muling kumatok sa silid niya ngunit walang nagsalita, narinig na lang ni Saddie ang pagbukas ng pinto ng silid niya at pagtunog

