Chapter 4

1913 Words
HINDI nakatulog si Saddie nong gabing iyon nang mabalitan niya ang nangyari sa kanyang boss at kasintahan nito. Kumalat nga sa mga social media at iba’t ibang channel ay laman ang balitang iyon. Wala sila sa politiko ngunit kung maibalita ang nangyari para bang napakaimportante nito sa buong bansa dahil galing ito sa dalawa sa pinakamayaman at kilalang pangalan sa buong Pilipinas. Isang oras lang din ang tinagal ng balitang iyon at bigla na lang nawala dahil sa commercial pagkabalik ay hindi na iyon ang inuulat sa mga news channel. Himala rin na tumigil ang usapan sa socmed tungkol sa dalawa. Dahil gising pa ang diwa ni Saddie at sobrang pag-aalala sa kanyang boss. Kalagitnaan sa madaling araw na una niyang na isip ay ang kanyang boss. ‘Kumusta na kaya siya? Kumusta na sila?’ tanong ni Saddie sa kanyang sarili. Hindi na siya nakabalik pa sa pagkakahimbing kaya minabuti na lamang niyang bumangon, naupo siya sa kama saka niya sinuot ang specs. Inayos ang kama at maagang naghanda para sa kanilang agahan bago siya pumasok. Madaling araw ding iyon na maagang tumunog ang cellphone niya, hudyat na naka-received siya ng chat sa GC ng kompanya sa team nila. Nagmadali siyang kinuha ito mula sa pagkakapatong sa lamesa ngunit isang maagang meeting ang kanyang na-received na notice mula sa HR nila…isang emergency meeting. Napaupo si Saddie saka muling inaalala ang balita sa boss na aksidente, naisip niya agad na baka tungkol ito roon. Napabuntong-hininga si Saddie saka muling binalik ang sarili sa pag-aasikaso. MAAGA pa sa usual na pasok ni Saddie sa kompanya, naroon din ang instinct niya na kung sakaling ma-late siya ay baka mapagalitan siya ng boss niyang si Maven ngunit saka lang niya naalala na wala ang binata sa kompanya, pagkarating pa lang niya agad niyang napansin ang kakaibang kilos ng mga katrabaho niya sa kompanya, hindi niya maintindihan kung malungkot ba ang mga ito o ano pa man ay hindi niya masabi. Nang makarating siya sa floor kung saan siya naka-assign nilapag niya ang mga gamit sa table at isa-isa inayos ang mga papel na katatapos lamang kahapon. Para bang kabisado na ng katawan niya kung anong gagawin niya, alin ang mga uunahin at dapat asikasuhin bago pa man pumasok si Maven. Pumunta siya ng dining facility nila sa floor para timplahan ng kape si Maven ngunit napatigil siya sa hallway nang maalala niyang walang papasok na Maven sa araw na iyon. Ipinikit niya ang mga mata at sa pagdilat niya muli siyang bumalik sa puwesto ngunit agad niyang nakasalubong si Mia na kaibigan niya sa kompanya na kararating pa lamang. “Good morning,” bati saka binigyan siya nito ng tipid na ngiti. “Morning, ang aga mo ata?” “Gaga may meeting tayo, any minute mag-start na iyon kaya halika na sabay na tayo,” sabay hawak ni Mia sa kamay niya. “Ay oo nga pala,” saka lang naalala ni Saddie kung bakit din siya pumasok ng maaga. “Grabe ‘yung nangyari, ano? Biglaan lang ang lahat, hindi mo talaga masasabi ang tagal mo rito sa mundo---” “Hoy, tumahimik ka nga,” agad na saway ni Saddie kay Mia habang nakakunot-noo pa. “OA mo, nagsasabi lang ako ng totoo, hindi naman talaga natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord, kaya kung ako sa ‘yo mag-jowa ka na, maranasan mo man lang yung happy life bilang babae.” Natahimik si Saddie nang agad na ilipat ni Mia ang topic at pagkakaroon nito ng kasintahan. “Naalala mo yung doctor na madalas na nag-check-up sa mama mo, jowain mo na sa tingin ko may gusto ‘yon sa ‘yo,” biro ni Mia. “Tumigil ka nga,” hindi mapigilang mahiya si Saddie at mamula ang pisngi niya. “Oo kaya, iba siya makatitig eh para siyang mas nag-aalala sa ‘yo kesa sa pasyente niya.” “Malisyosa ka talaga,” saway muli ni Saddie. Natawa naman ng mahina si Mia. “Ito naman hindi mabiro.” Tuluyan na silang nakapasok sa meeting hall, maliit ng bahagya ang silid na kakasya sa kanila, may white board sa unahan na nakatalikod sa bintanang tanaw ang buong siyudad at nagtataasang gusali. Nasa gitna ng silid na iyon ang bilog na lamesa na gawa sa salamin at nakapalibot doon ang magiging upuan nila na kulay itim. Isa-isa sila pumasok sa loob at nasa loob na ang HR. Hindi nila inaasahan na makikita rin nila ang kapatid ni Maven na isa sa mga boss nilang si McKenzie Ildefonso. Ngumiti ito sa kanila na siyang kabaliktaran ni Maven sa lahat ng bagay kahit simpleng pagbati sa kanila. “Good morning sa lahat,” bati ni McKenzie. “Good morning, sir.” “Magandang araw po.” “Morning, sir.” Sabay-sabay na bati ng lahat, nang maupo si McKenzie saka lang sila makaupo nang alukin sila nito na maupo. “Narito tayo para pag-usapan ang ilang bagay, lalo na ang nangyari sa ating director boss na si Mr. Maven Ildefonso…” Natigilan ang lahat nang bangitin ng HR na babae na si Kayleen ang anunsyo na iyon tila ba bumalik sa kanilang alaala lalo na kay Saddie ang nangyari. “Napansin naman ninyo na nawala ang balita sa lahat ng social media at TV news channel dahil hiniling ng highe ups na isapribado ang nangyari sa dalawa, lalo na’t pribadong bagay ng dalawang pamilya ang nangyari…” Doon lang nasagot ang katanungan ni Saddie. ‘Kaya pala,’ sa isip-isip ng dalaga. Madali lang sa isang mayamang pamilya na gawin ang kahit anong gusto lalo na ang bagay na ito, perks of being rich kaya mong manipulahin ang lahat para sa ikakatahimik ng isyu, siguro ginawa nila ito para hindi makasama sa kompanya at negosyo ng dalawang pamilya. Saka lang bumalik sa realidad si Saddie nang marinig niya ang sunod na paliwanag ni Kayleen. “Minabuti rin na tumahimik din tayo tungkol sa balita, tanging ang higher ups at miyembro ng pamilya ang nakakaalam ang totoong nangyari, nag-iingat din ang pamilya nila at alam naman nating nagkalat ang mga paparazzi, kaya kung sakaling may umaligid sa inyo at alam na ninyo kung paano umiwas sa isyu para rin sa ikakatagal ninyo sa kompanya,” paliwanag ni Kayleen na siyang kinatahimik ng lahat. ‘Bakit kailangan may halong pagbabanta? Bakit kailangan pa nila isekreto sa amin? Pero may punto sila, nag-iingat lang talaga, maaring may mabayaran sa amin kung sakaling alam namin ang balita pero…sino naman ang magbebenta ng tiwala nilang nakuha sa kompanya na bumubuhay sa kanila?’ ang daming tanong na pumasok sa isipan ni Saddie. “Maari na kayong bumalik sa mga trabaho ninyo at magiging normal pa rin naman ang kompanya,” paalala ni Kayleen. “Nagkakaintindihan ba tayong lahat?” Dahan-dahan napasulyap si Saddie kay McKenzie na tahimik lang buong meeting. “Opo!” “Yes, madam!” “Salamat sa pag-intindi,” wika ni Kayleen. Sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan niya, bahagyang nabigla si Saddie nang sumulyap sa direksyon niya si McKenzie, para bang nakuryente siya sa pagtama ng mga mata nila at animoy bawal kaya agad siyang yumuko. Ilang sandali lang nang pinalabas na sila pagkatapos ng ilang paalala. Nagmadaling dumiretso si Saddie sa lamesa niya para umpisahan ang trabaho niya at makapag-check ng email. “Hi.” Pagsulyap ni Saddie kung sino ang biglang bumati sa kanya, napaatras siya at habang namumula ang pisngi sa biglang pagsulpot ni McKenzie. Natuwa naman ang binata sa naging reaksyon niya kaya lalong ngumiti ang binatang boss sa kanya. “Good morning po, sir,” kabadong bati ni Saddie. Ngunit hindi pa rin nawala ang confidence ni McKenzie. Sandaling sumulyap ang binata sa pinto ng office ni Maven saka muling sumulyap kay Saddie. “Of all who work here you are the only person I can trust about my brother,” saka naging seryoso ang mukha ni McKenzie. Kinabahan si Saddie sa ibabalita ng boss niya. “…during your time working here as his secretary, you were able to take understand his every single attitude, I know you have hard sometimes with him but you’re still here working for him, for me you have the rights to know the real news about Maven,” animoy naging malungkot si McKenzie na ngayon lang nakita ni Saddie na para bang concern na concern. “I don’t know how to tell this but they both in critical condition, they are still under observation after they’re undergo the operation, they haven’t woken up yet but doctors are trying to make them better.” Hindi maintindihan ni Saddie kung anong mararamdaman niya, kailangan ba niyang ipagpasalamat ang nabalitaan niya. “I hope nagkakaintindihan tayo sa bagay na ito,” wika ng binata. “Opo, sir, naiintindihan ko po at maraming salamat.” Huminga ng malalim si McKenzie saka ngumiti muli sa dalaga. “Kung ako sa ‘yo umuwi ka ng maaga kung wala naman masyadong trabaho, okay lang iyon, wala pa naman yung boss mo,” para bang bumalik ang pagiging cool muli ng binata saka ito umalis. DUMATING ang hapon at wala naman masyadong ginagawa nang magyaya si Mia na lumabas sila para pumunta sa malapit na coffee shop ng kompanya. Hindi pa siya basta napilit kung hindi sinabi ni Mia na libre, pinapila na lamang niya ang kaibigan habang naghihintay siya sa isang table malapit sa bintana sa may pintuan. Nakatanaw lang siya sa labas nang mapansin niyang may naupo sa tapat ang akala niya nakabalik na si Mia kaya paglingon niya isang lalaking nakasuot ng salamin na itim, cap at bomber jacket na puros itim. Para itong artistahin sa itsura lalo na sa pananamit. Sa madalas niyang pagdaan sa opisina papasok kabisado na niya ang nakakasalubong at nakakasalamuha sa kalsada, kaya ngayon lang niya nakitang pumasyal ang lalaki roon. Bahagya siyang nagtaka habang nakakunot-noo siya. “Kuya, may iba pa pong lamesang bakante, may kasama na po ako rito,” wika niya. Bahagyang binaba ng lalaking kaharap ang salamin nito at pinakita ang mata nito na hindi pa rin nahuhubad ang salamin na suot. “Hi, ako nga pala si Andrie isang member ng sikat na channel sa TV, isa ka sa nagtatrabaho sa IWS company as I can see,” sabay sulyap sa ID niyang suot. Agad na kinabahan si Saddie sa kaharap nang maalala niya ang utos sa kanila, isa pa roon siya lang ang nakakaalam sa totoong nangyari sa magkasintahan. Agad na tumayo si Saddie at lumayo sa lamesang iyon na para bang may nakakahawang sakit ang lalaki, nagtaka naman ito sa kanya. Saka siya umalis doon at pumunta kay Mia. Nabigla naman si Mia. “Bakit ka umalis?” tanong kay Saddie habang dala ang order nila. “Alis na tayo, roon na lang tayo sa office inumin at kainin yan,” yaya ni Saddie. Sumilip si Mia sa puwesto niya kanina nang mapansin nitong may iba nang nakaupo saka sumulyap muli kay Saddie. “Ngi, baka maraming humingi sa roon kaya rito na lang baka magpalibre pa sila sa akin, doon na lang tayo sa ibang table, umalis ka bigla tuloy may umupo.” Walang nagawa si Saddie kundi sumunod sa kaibigan malapit sa counter na walang upuan ngunit may mataas na table para sa ilang nagmamadaling costumer, bahagyang napalingon si Saddie sa direksyon ng lalaki ngunit lumabas na ito kaya nakahinga ng maluwag ang dalaga. Hinayaan na lamang niya nag-ingay at manermon ang kaibigan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD