Chapter 5

2018 Words
NANG maayos ni Saddie ang mga papeles at ilang mga trabaho para bukas saka niya naman naisipang bumaba sa lobby para umuwi. Ginawa nga ng mga katrabaho niya na opportunity na umuwi ng maaga ang mga ito habang wala pa si Maven na boss nila hindi na rin nakita pa na Saddie si Mia nang magpaalam at mauna na itong umuwi sa kanila. Palabas na siya ng opisina nila nang mapansin niya ang pamilya na lalaking nakita nya sa coffee shop nong hapon na naghihintay sa labas na para bang may mirat natigil Saddie at bahagyang kinabahan. Natigilan siya sa kinatatayuan niya nang lumingon ito sa direksyon niya, dahil puros salamin ang pagitan sa kanila kitang kitang saya nito. Kumaway ito sa kanya mula sa labas at saka ngumiti na para bang mana sa ilang magkakilala o magkaibigan. Napaatras siya saka umusog sa may tabi ng elevator para hindi siya nito makita, ilang beses din niyang sinilip ang lalaki sa labas ngunit sa pangatlong pagkakataon na pagsilip niya wala na ito sa tambayan niya kaya lang siya nakahinga ng maluwag. 'Mabuti naman at wala na siya,' bulong ni Saddie sa kanyang isipan. Agad na siyang lumabas ng gusali at naglakad patungo sa sakayan ng mga bus. Wala na siyang kasabayan at halos puro private cars ang dumadaan sa kalsada kaya naupo na muna siya roon. Paglingon niya sa kanan niya saktong may tumabi sa kanyang lalaki, namilog ang mga mata niya nang makilala niya muli ito. Napalingon din siya sa kalsada nang may sasakyan na huminto sa harapan nila na kulay itim. "Maari ka ba namin ma-invite for simple dinner, kain-kain lang---" Agad na pinatigil ni Saddie ang lalaki ngunit kinakabahan pa rin siya. "Kung maari ba tigilan mo ko, hindi kita kilala at saka bakit ka ba nangungulit?" may pangamba rin siyang nararamdaman si Saddie para sa kaligtisan niya. Hindi naman niya kilala ang mga ito na bigla lang nagpakita sa kanya. "Pwede kitang isumbong sa pulisya ng arrestment!" pagsigaw na pagbabanta ni Saddie. Hindi man lang natakot ang binata nang iabot sa kanya ang isang litrato na ginupit sa isang newspaper, kinuha ito ng dalaga nanginginig ang kamay at nakakunot-noo. "It's your decision kung gusto mo kong isumbong o hindi, as far as I know isa ka sa malapit na empleyado ni Mr. Director Ildefonso bilang secretary niya, gusto ko lang na bigyan kita ng maliit na halaga if papayag kang magbigay ng impormasyon tungkol sa nangyari sa kanila ng kasintahan niya kapalit ng impormasyong ibibigay mo? Kaliwaan lang naman, one hundred thousand kapalit ng impormasyon---" Isang malakas na busina ang nagpagising kay Saddie sa gulat at agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo saka lumayo sa lalaki. Napakunot-noo siya sa kotseng mamahalin sa likod din ng itim na kotse sa harapan niya, may tatlong naglalakihan ang katawan ang huminto sa harapan nito saka pinagbuksan ang pinto. Saka lang napagtanto ni Saddie kung sino ang nagmamay-ari ng kotseng iyon nang bumaba ang isang eleganteng babae, may katandaan na ito ngunit hindi mahahalata sa kanya sa pagiging fashionable na pananamit, mga alahas at kaloreti sa katawan na galing pa sa ibang bansa. Ang isang alahas na suot ng matanda'y maari na siyang buhayin ng ilang buwan sa pagkain, pambayad sa tubig, kuryente at upa nila. Hindi na siya maghihirap, hindi magugutom ng ina niya. Nabigla rin ang lalaki sa biglang pagpapakita ni Mrs. Ildefonso, ang pangalawang asawa ng may-ari ng kompanya, ang siyang ina ni Maven, para bang napaka-powerful nito lalo na sa pagtunog ng takong nito sa pavement. Huminto ito sa kanila, hindi alam ni Saddie kung matatakot siya o mamamangha sa kagandahan ng matandang babae. Kahit pa puti na ang buhok nito, wala pang kulubot ang mukha, napakakinis, narinig ni Saddie noon na kada-buwan ay nagpapa-derma ang ginang at kahit pa sa ibang bansa para mapanatili ang kagandahan nito. Kung mayaman ka nga naman kahit anong gusto mo'y magagawa mo na hindi ka mahihirapan o mag-iisip na baka wala ka nang makain sa susunod. "Magandang gabi po, Mrs. Ildefonso," agad na bati ni Saddie at tumingin sa sapatos na lamang nitong black prada sandals kesa sa mga mata nito kung makatitih ay iba. "Ma'am…" hindi rin inaasahan ng lalaki ang pagdating ng ginang. "Hindi ba't binayaran na kayo bakit nangungulit pa rin kayo, don't you understand na private thing ang tungkol sa nangyari sa anak ko at sa kasintahan niya?" kalmado ang boses nito ngunit mararamdaman mo ang ma-awtoridad sa kanya, hindi nagkakalayo kay Maven ang kanyang ina. "I'm sorry, ma---" Hindi pinatapos ng ginang ang lalaki. "Get out of my face or else...you know the consequence might would happen to you and your company," panakot na wika ng ginang kaya naramdaman din ni Saddie ang lamig bg pakikitungo nito sa ibang tao. Napalunok si Saddie at umatras nang kumaripas ng takbo papasok ng kotse ang lalaki. Nagmadali itong umalis pagkatapos nu'n. 'Anong gagawin ko? Paano kung paghinalaan din niya ako? Wala na akong ginagawa, hindi ko rin naman tinanggap---pero paano kung hindi siya maniwala? Aalisin kaya nila ako sa kompnya?' "And you?" Agad na tumingala si Saddie sa ginang. "Ano po iyon, madam?" "Sumama ka sa akin at may importante tayong pag-uusapan," saka sumakay ang ginang sa kotse nito pabalik. Nabigla si Saddie at hindi alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan at bakit parang biglaan. Para hindi mapagalitan at kahit nagugutom na siya sumama na lamang siya rito. Sumakay siya sa kanang bahagi ng kotse malapit sa ginang ngunit napakalawak ng puwesto sa pagitan nila. Walang umiimik sa kanila at ayaw din sirain ni Saddie ang gabi ng ginang. Magsasalita lang siya kung sakaling tatanungin siya nito o kakausapin. "Hindi na ako magpapatumpik-tumpik ka, Ms. Villegas, ang tagal mo nang nagtatrabaho sa kompanya sa at pamamalakad ng anak ko, ayaw mo bang ma-promote?" Nabigla si Saddie sa tanong ng ginang. Walang nakakarinig sa kanilang pag-uusap kundi silang dalawa lamang, may pagitang harang sa driver at sa kanila kaya malaya silang mag-usap ng pribadong bagay. Halos lahat ata ng nagtatrabaho sa kanila'y sinanay na maging loyal at honest ay kung hindi'y agad silang matatangal. "My son still in a critical condition because of the accident---" nahihirapang wika ng ginang. "His fiancee is now dead, kanina lang umaga at hindi kinaya ang katawan nito lalo na sa utak." Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ng dalaga at napalingon sa ginang. Doon lang naramdaman ni Saddie na kanina pa pala nakahinto ang kotse na nakaparada sa labas ng isang parke. "Nakalabas na ng ospital ang anak ko, nagising na rin siya kanina lang tanghali pero nabulag siya dahil sa aksidente and I don't know what to do lalo na nong makita kong nasasaktan siya, how much more kung malaman niyang wala na si Carmina?" lumingon ang ginang sa kanya na para bang naluluha ngunit seryoso pa rin ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Hindi akalain na mas malala pala ang malalaman niyang balita, natatakot siya sa posible pang mangyari sa binata. "Balita ko may sakit daw ang mama mo," dagdag pa ng ginang hindi makaimik si Saddie sa kinauupuan niya at ano ba ang dapat niyang maramdaman. "I want you to hire na maging fake fiancee ng anak ko sa loob---" Mas lalong nabigla si Saddie kaya hindi na niya napigilan pang mag-reak dito. "Hindi po maari." Parehas silang natigilan ng ginang at nagkatitigan. "Hindi mo ba gusto ang perang ibibigay ko sa 'yo kapalit ng pagpapangap mo, baka magbago ang isip mo…" agad na kinuha ng ginang ang cheque book niya at pinirmahan ito. Inabot kay Saddie ang pinunit na parteng papel na wala pang nakasulat na halaga. "Ikaw na maglagay ng amount kahit magkano ang gusto mo kaya kong ibigay, one or two months, pwede na iyon hangga't sa makahanap si Maven na mag-match na mata para sa kanya, Ms. Villegas, hindi ako rito para makipag-usap tayo bilang boss at empleyado, na andito ako bilang ina." "Pero hindi ko pa siya kayang saktan, alam po ninyo na namatay ang kasintahan niya, paano kung malaman niya ang totoo? Hindi ko po kayang saktan si sir---" "Mas mabuti na siyang masaktan kesa ang makita kong kayang magpakamatay ni Maven!" Nabigla si Saddie sa biglang pagtaas ng boses ng ginang sa kanya kaya mas lalo siyang napahawak sa bag niya. "Nagmamakaawa ako sa 'yo, Ms. Villegas, tignan mo sanang opportunity ang alok ko, ina ako kung ikaw ang nasa kalagayan ko ganu'n din ang gagawin mo, hindi mo pa kasi maiintindihan kasi hindi ka pa nagkaroon ng anak, hindi ka pa nagiging ina, I know what goods for my son," hindi napigilan ng ginang na hindi maging emosyunal, agad niyang pinunasan ang luha na pumayam sa pisngi nito. "Paumanhin, Mrs. Ildefonso, pero hindi ko po kayang gawin ang pinapagawa ninyo," tutol na sabi ni Saddie. Napansin ni Saddie ang paglungkot ng mukha ng ginang ngunit hindi na ito namilit pa. "Mang Ernesto, pwede po bang pakihatid na si Ms. Villegas sa bahay nila." Hindi sumagot ang driver at umandar na muli ang sasakyan paalis. Wala nang sinabi pa na kahit na anong ginang at nagpasalamat na lamang si Saddie nang makababa siya. Nong gabi ring iyon hindi pa rin makapalimutan ni Saddie ang alok ng ginang, nag-aalala rin ang dalaga para kay Maven. 'Hindi ko alam kung ano ang sakit na nararamdaman niya pero sana maging okay na siya,' bulong ni Saddie sa kanyang isipan. Sa kakaisip niya roon lamang siya dinalaw ng antok. NASA body clock na ni Saddie na gumising ng maaga, saktong paggising niya nadatnan niyang naroon ang kanyang ina na nakatalikod sa direksyon niya. "Good morning, ma," bati niya rito nang bigla na lang bumagsak ang ina na siyang kinagulat niya. "Ma!" gulat niya sabay takbong papalapit dito. Nakikita niya ang sakit na nararamdaman ng ina niya sa mukha na para bang nahihirapang humingi, dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo ng ina saka inabot sa kwarto ang phone at saka dinial ang phone number ng ambulansya. Muli siyang bumalik sa ina niya habang tumatawag. Alam niyang ilang beses na niya itong nasaksihan ngunit naroon pa rin ang takot kay Saddie sa tuwing aatakihin ang ina niya sa puso. Wala pang ilang minuto simula nang tumawag si Saddie nang dumating ang ambulansya, agad na pinasok sa emergency room ang ina niya pagkarating nila sa ospital, habang nasa labas tatawagan sana niya ang kaibigan si Mia nang mapansing wala pala siyang suot na saplot na pang paa. Naalala niyang hindi pa siya nakakapaghilamos at suot pa ang damit pantulog ngunit wala nang pakialam pa si Saddie sa itsura niya, mas importante ang kalagayan ng ina niya. Lumabas ang doctor mula sa emergency room kaya agad niya itong nilapitan. Binata pa ang doctor na si Seven na simula nang ma-admit ang ina niya sa ospital na iyon na at iyon ang tumitingin dito. Kahit pa pawisan at naka-scrubs ay nangingibabaw pa rin ang pagiging binata ng doctor. Makapal ang kilay nito at nakakunot-noo. "Nasa maayos na kalagayan na ang ina mo pero hindi ko masasabing magtatagal iyon, Ms. Villegas, she need to undergo another operation in this one is pricey kaya pangungunahan na kita, kung gusto mong maging maayos ang ina mo nasa sa 'yo pa rin ang desisyon para sa ina mo," bungad ni doctor Seven sa kanya. "Kailangan pa niya ng ilang mga test at mas kailangan na niyang manatili muna rito para mas mabantayan ang condition niya, this time kailangan niyang bantayan." Saka nagpaalam ang binatang doctor at iniwan na siya roon. Naalala niyang hindi kakayanin ng gastusin sa ospital dahil las month ay nagalaw na ang ipon niya dahil din sa kanyang ina. Bigla niyang naalala ang alok ni Mrs. Ildefonso sa kanya, may nagtutulak sa kanya na kunin ang alok na iyon ngunit may nagpipigil din siya na huwag gawin lalo na't hindi niya gustong masira ang tiwala sa kanya ni Maven. 'Pero anong gagawin ko? Kailangan ni mama ng operasyon na ito?' sa isip-isip niya habang hindi na niya nararamdaman ang sarili at ilang minuto ring nakatayo roon kakaisip kung anong plano ang kanyang gagawin hanggang sa mapagdesisyunan niya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD