SADDIE can't believe kung ano ang nangyari kanina, umuwi na lang siyang tulala sa hotel room nila halos maghahapon na rin at hindi pa rin nakakabalik ang mga kasama niya. Ilang beses niyang pinag-isipan kung lalabas pa ba siya o hindi dahil ayaw niyang maluma sa loob ng hotel room nila. Hindi naman niya makontak ang nga kasama at laling ayaw niyang maistorbo ito sa pag-enjoy sa kanilang activities sa labas. 'Kung hindi ako lalabas baka magutom ako rito,' bulong ni Saddie sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga siya bago nag-ayos at napatuyo ang buhok ay tumayo na siya. Pagbukas niya ng pinto agad siyang napalingon sa kanan nang may mapansin siya, napakunot-noo at namilog ang mga mata nang mapagtanto kung sino ang biglang dumaan na saktong pagbukas niya. "Sir Maven?" tawag niya sa binata

