PAGKATAPOS ng maikling bakasyon kailangan na rin nilang bumalik sa opisina para tapusin ang ilang importanteng bagay, mas lalo pang naging malapit at maalalahanin si McKenzie sa kanya simula nang umamin ito ng nararamdaman sa kanya. Sinasabi niyang wala siyang nararamdaman dito ngunit nagpupumilit ang binata na liwagan siya na lalong nagpapaisip kay Saddie kung ano ang dapat niyang gawin dahil ayaw niyang paasahin ang binata. Napansin din niya nong matapos ang gabi na iyon tuluyang naging malayo naman ang loob ni Maven an sadyang kinalungkot niya. Hindi niya akalain na darating sa puntong ito, ngunit nasasaktan na naman siya sa tuwing umiiwas ito sa kanya. Pagdating niya sa lobby saktong naroon si Chelsea na binabati nang ilan sa pagbisita nito sa kompanya, may ilang nagpapa-picture at

