NANG makarating si Saddie sa parking lot agad niyang binuksan ang kotseng nakaparada at hindi niya inaasahan ang kanyang makikita. Sa una’y hindi pa naproseso ng kanyang utak bago nanlaki ang mga mata niya, saka lang siya napansin ng dalawa sa loob at nagulat din sa bigla niyang pagdating. Hindi niya kasi inaasahan na makikita si McKenzie making out with her friend Mia habang nakakapatong ito sa binata. Agad na umalis si Mia sa pagkakandong sa binata at lumabas naman ng kotse si McKenzie para lumipat sa driver seat. Umayos naman ng pagkakaupo si Mia saka napataas ang isang kilay ni Saddie sa kaibigan na napapatanong kung kailan pa nag-umpisa ang lahat at paano nangyari iyon? Hindi pa rin siya makapaniwala pero tila natrauma ata siya lalo na’t halos maghuhubad na ang dalawa kung hindi pa s

