NATAPOS din nila Saddie ang pagtulong sa ilang kliyente nila para sa attend ng ball at halos mga artista ang mga yon, VIP pa ang isa nilang pinakauna nilang kliyente. Naiwan sila sa hotel room at nag-aayos na lamang sila ni Mia nang biglang may pumasok sa silid nila. Umiiyak ang dalagang artista nang lumapit sa kanila. “Ang laki ng tiwala ko sa inyo kasi akala ko gagawin mo ng tama yung dress ko, pwede ka naman tumanggi bakit sa dinami ng tinahi mo ako pa yung may kagaya?” biglang reklamo nito na parang batang inagawan ng kendi. “Anong sinasabi mong kagaya?” nagtatakang tanong ni Saddie. “Yung karibal ko sa industry kagayang-gaya ng sa akin, bakit naman ganu’n? Nakakahiya ngayon, anong ihaharap ko sa kanilang mukha? Dinamay mo pa ako sa kahihiyan,” napahagulgol ito saka napasalampak sa

