"Wow! Buti hindi sumabog ang ilog na Papa mo." "Anong akala mo sa itlog ng Papa ko? Bomba?" "Bakit, bomba lang ba ang sasabog?" "Ay! Ewan ko sa iyo!" Biglang nag-ring ang phone ni Dragger at tiningnan niya ito. "May tumawag sa phone mo, 'Me' ang pangalan," pasigaw niyang sabi. "Sagutin mo, Mommy ko iyan," nakangiting utos nito. "Anong sasabihin ko?" inosente niyang tanong. "Sabihin mo na magkasama tayo." Sinunod naman niya ang utos ng lalaki. "Hello, Tita..." aniya sa mahinang boses. "Anong Tita?! Girlfriend 'to ni Dragger! Who are you?! Bakit hawak mo ang phone niya!" sigaw nitong tanong. Inilayo niya ang phone mula sa kaniyang tainga at dali-dali niyang kinansela ang tawag. Nang tingnan niya ang binata ay panay ang hagikhik nito. "BWISIT KA!" galit na galit niyang siga