DUMATING sila sa restaurant at nandoon na ang mag-asawa na parehong may edad na. "Good afternoon!" bati ni Dragger sa mag-asawa na sabay tumayo. "Good afternoon!" sabat naman ni Marelle at nakipagkamay sa mga ito. "Magandang hapon, Sir, Ma'am," tugon ng mag-asawa. "Maupo po kayo," alok ni Marelle. Hinila naman ni Dragger ang isang upuan at dito niya pinaupo si Marelle. "By the way...I'm Dragger Halawi. Ako ang manager ng R&CMC. Siya naman si Marelle Dela Buinte, the new president of the R&CMC. Eldest daughter ni Senior Sebastian," pormal na pakilala niya sa mga ito. "Ako si Dilfen Fausto at ang asawa ko naman si Juliana." Pakilala naman ni Mr. Fausto sa kanila Sa isip ni Marelle, ay tama ang kaniyang ama. Seryoso nga si Dragger, pagdating sa negosyo. "Nagutom na po ba kayo?