Tuwang-tuwa ang mag-asawang Fausto, dahil granted ang kanilang paglapit sa R&CMC. "Saan po ang bahay ninyo, sir? Para ihatid na namin kayo." "Doon sa unahan." "Naku!" bulalas ni Mrs. Fausto, dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali silang sumakay upang hindi mabasa. "Naku! Sir, Maam. Baka mahirapan kayo nito sa pag-uwi," Mr. Fausto said. "Huh?! Pero bakit?" gulat na reakyon ni Marelle. "Dahil madulas ang daan, lupa lang kasi," tugon naman ng kaniyang asawa. Napansin nga ni Dragger na madulas ang lupa, dahil gumiwang-giwang ang sasakyan. "Mas mabuti siguro kung dito na kayo magpalipas ng gabi." suhestyon ni Mr. Fausto. Nagkatinginan ang dalawa at nag-aalala si Marelle, na hindi talaga sila makauwi. "Sa akin walang problema, ewan ko lang dito sa aking ka