At maya-maya pa ay dahan-dahan na bumukas ang pinto at naunang pumasok ay ang magnobyo. Napahinto silang pareho nang makita nilang may bisita pala. Sumunod na pumasok ay si Marelle at hawak niya sa kamay ang anak. "Niq... Niq!" masayang sambit ni Lorence, at patakbong sinalubong ang kababata at sabay yakap niya rito. "T-Tsoy?!" Gulat niyang sambit. At biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Na tila muling nabuksa ang matagal ng nakasarado niyang puso. Dahan-dahang umangat ang kaniyang isang kamay at tumugon sa yakap nito. "Niq, ang tagal kitang hinanap, ang akala ko ay hindi na kita makikita pang muli," madamdamin niyang pahayag at muli itong napaluha sa balikat ng dalaga. "I'm sorry, Tsoy. I'm sorry," mas hinigpitan ni Marelle ang kaniyang pagyakap sa kababata. Pakiramdam ni