TULOY ang kanilang kasiyahan sa harap ng bonfire at makatabi silang dalawa. Sa sandaling iyon ay masaya silang pagmasdan. Dahil apat sila na couple na humarap sa apoy. Kinuha ni Lorence ang kamay niya at dinala sa kaniyang labi. "Thank you so much sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin, Niq." Sumandal naman itovsa kaniyang balikat na tila naglalambing. "Thank you rin, Tsoy. Dahil hindi ka napagod sa paghihintay. "Lorence," sambit ni Senior Sebastian. "Yes, Tito?" "Kailan mo balak pakasalan ang aking anak?" Hindi agad sumagot si Lorence at tiningnan muna niya ang katabi. "Ikaw, kailan mo gusto?" he asked to her. "Ummm... next-year na lang siguro. After my graduation." "Tito, next-year ang gusto ni Marelle. After graduation daw." "Okay." At maya-maya pa ay biglang nagbago ang i