Bumyahe kami para lang puntahan si Aurora. Si Aurora lang ang nasa isip ko buong byahe. Apat na taon, gano'n katagal ko s'yang nakalimutan. Ang daming tanong ni Yko pero hindi ko ito pinansin. Ipinarada ko sa masukal na bukana ng kasukalan ang sasakyan nito. Panay ang reklamo nito dahil tiyak na puro na gasgas ang sports car nito pero wala akong pakialam. Nai-imagine ko pa lang na mag-isa si Aurora sa bundok ay binabalot na ng sakit ang dibdib ko. "Ipagpabukas na natin, papadilim na oh!" reklamo ni Yko pero hindi ko s'ya pinansin. Ang cellphone lang na dala namin ang tanging ilaw habang naglalakad kami papasok sa masukal na kagubatan. Mabilis ang mga hakbang ko, bumalik ang lahat ng alaala ko, tapos iyong daan patungo sa Kubo nito ay pamilyar na pamilyar pa rin sa akin kahit pa mas l