"Hindi na ang iyong ama ang may-ari ng lupain na balak natin gamitin." Agad akong napaangat ng tingin kay Udette. Humakbang ito na iika-ika, inilapag ang isang dokumento na agad kong dinampot. "B-inenta n'ya kay Herea?" nagsimulang mabuhay ang galit sa dibdib ko. "Sa tingin ko kaya lumapit sa anak mong si Soul ay para makuha ang lupang iyon. Kinakalaban ka talaga n'ya." Mabilis kong nilukot sa labis na galit ang papel at inihagis iyon sa babae. "Bakit lahat na lang ng plano ko ay nasisira?" hiyaw ko sabay tabig ng mga gamit na nasa mesa ko. Nandidilim ang paningin ko sa labis na galit. "Kung gusto mong protektahan ang anak mo ay kailangan mo s'yang kausapin. Ilabas mo na ang ilang alas na nakatago." "Wala na akong choice. I don't f*****g care kung isa s'yang Zimmer. Sinagad na n