Agad na kumalas si Althea sa mga hawak at yakap ng boss bago ulit siya madarang dito. Ngayon niya lamang napagtanto ang maaaring kahihinatnan ng dalawang beses na pagsasalo nila sa kama. "Okay ka lang ba?" gagad ni Wynn sa palad ni Althea. "Ah?! Hmmmm! Oo naman," agad na wika rito. Ngiti lamang ang sinagot ni Wynn at tinuon ang tingin sa daan. Ramdam pa rin ang mga titig ni Althea sa kaniya. Pinisil ang plad nito upang ipadama ang pagmamahal dito. Nang makita ni Althea na malapit na siya sa kanila ay mas lalong tumamis ang ngiti rito. "Salamat," aniya bilang pasasalamat sa paghatid sa kaniya. "Wala iyon, pero mas gusto ko kung sagutin mo na lamang ako," hirit ulit ni Wynn sabay halik sa palad ni Althea. Napatawa si Althea. "Well, manligaw ka muna. Ikaw ang magiging first boyfriend