Doon ay ngumiti na lamang siya saka mabilis na pumasok sa kanilang kusina bago pa tuluyang ipagkanulo ang sarili na mahal na mahal niya ito. Pagpasok sa kusina ay kitang abalang-abala ang ina. "Mukhang marami po kayong binili, Ma?" turan dito. Doon ay lumingon ang ina at ngumiti sa kaniya. "Well, ito kasing Itay mo ay nag-request na kare-kare raw iluto mo kaya ito," anito na napangiting muli kaya tumugon din siya ng ngiti. "Okay, Ma. Ako na pong bahalang maghiwa nito," aniya sa mga gulay. "Okay, anak. Inuna ko na kasi ang karne upang mapalambot kong mabuti," ani ng ina. Nalulugod ang pusong tila sumigla ang mga ito sa pagdating ni Wynn sa kanilang tahanan. Kung noon ay tahimik sila sa loob ng kanilang bahay tuwing Sabado. Ngayon ay abalang-abala silang lahat at hindi maikakailang masa