Nakahinga ng maayos si Wynn nang tuluyan silang nagkahiwa-hiwalay ng landas matapos ng hindi inaasahang pagtatagpo nila ng landas nila Mark at ang pinsang si Jacky. Mabuti na lamang at hindi na muling inungkat pa ng pinsan ang tungkol kay Althea. Batid niya kasing naalala nito ang pangalang Althea dahil sa kaniya noon. Wala kasi siyang bukambibig noon kundi kung papaano siya makakaganti rito. "Ayos ka lang ba, babe?" hindi mapigilang itanong ni Althea kay Wynn nang makapasok sila sa sasakyan nito. Kanina pa kasi ito tahimik at tila may malalim na iniisip. "Ah! Uhmmm! O—oo naman babe," nauutal na tugon ni Wynn. "Are you sure?" paninigurong turan ni Wynn dito. "Oo naman, babe," agad na tugon dahil mukhang nakakahalata na si Althea. Hinawakan ang palad nito sabay ngiti rito. "Oo, babe.