"A—aray ko, babe," aniya sabay yakap kay Althea. Agad namang tinulak ni Althea ang kasintahan nang yakapin siya nito. Kahit sa loob-loob ay kinikilig siya. "Babe, naman eh," kunwari ay inis na turan dito. "Ayaw mo bang manuod ng ganito, dapat pala ay sa pangbata tayo pumunta," biro pa ni Wynn kay Althea. "Nakakainis ka talaga," inis na wika sabay tulak rito. Saka naramdaman ang pagpulupot ng kamay nito sa kaniyang baywang. Napatingin siya sa tabi at nakitang nakatitig din sa kaniya ang kasintahan. Para tuloy siyang teenager na kinikilig sa simpleng akbay nito sa kaniya. Paano ba naman kasi ay parang sila lang ang tao sa sinehan kung umasta si Wynn. Masyado itong napaka-sweet dahilan para mas lalong malugod ang kaniyang puso. Kapwa sila natigilan nang marinig ang ungol buhat sa malak