Napangiti siya sa tiyahin saka lumabas ng silid. Doon ay nabungaran ang magulang na nanunuod ng TV. Napatigil siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Masasabi niyang tunay at purong pagmamahal ang kanilang pagmamahalan dahil sa trabaho noon ng ama na palaging wala ay nagawa nilang magtiis at hindi nagloko. Hanggang sa maaksidente ang ama dahilan upang putulin ang mga paa nito at maatake ang ina. Ngayong medyo maayos na ang ina ay bakas pa rin ang pagmamahalan nila at pinangangatawanan ang sumpahan nila. Nakatayo siya sa may pintuhan habang nakamasid sa kaniyang mga magulang nang maramdaman ang pagdantay ng palad sa kaniyang balikat. Nalingunan ang kaniyang tiyahin na nakangiti habang tinitignan din ang kaniyang mga magulang. "Gusto kong makahanap ka rin ng lalaking tulad ng ama mo. Lala