"Sa tingin mo magagawa kong magalit sa magiging anak natin?" agaw na sambit ni Wynn sa usapan ng mag-ama. Wala siyang balak sumabad pero nang marinig ang huling sinabi ni Althea ay hindi na niya napagilan pa. "W—Wynn?" bulalas ni Althea. Bahagyang natutop ang bibig dahil hindi malayong narinig nito ang pag-amin sa ama. "Anong ginagawa mo rito?" agad na bawi rito. "Nasaan si Demi?" turan pa nang maalala ang lalaki. "Nandito ako upang bawiin ka, Althea. Sabi mo, mahal mo pa rin ako—" "Oo pero hindi ibig sabihin noon na babalikan kita!" inis na turan dito. "Ahemmm!" tikhim ng kaniyang Papa nang mapansin ang namumuong tensyon sa pagitan nila. "Hindi makakabuting magbangayan kayo ngayon. Anak, ako ang nagyaya sa kaniya rito," ani ng ama. Napatigil na lamang si Althea dahil tama ang ama, h