Chapter 61:

1640 Words

Matapos kuhanan ng nurse ang vital signs ng ina ay may tinurok ito sa tube ng dextrose nito. Saka magiliw na nagpaalam sa kanila. Kitang hawak-hawak pa rin ng ama ang kamay ng ina. Napabuntong-hininga siya dahil kasalanan niya kung bakit inatake ang ina. Nagsimula siyang humakbang papalapit sa kaniyang ama nang maramdaman ang pagluwag ng hawak ni Wynn sa kaniyang baywang. "Pa," aniya sa ama. "Hindi ko kayang mawala ang Mama mo, anak," anito. "Hindi pa tayo iiwan ni Mama, Papa," madiing wika rito. Sabay hawak sa kamay ng kaniyang Mama upang halikan iyon habang masuyong hinahaplos ang buhok nito. Nang balikan ng tingin ang ama ay nakangiti na ito. "Oo, matapang ang Mama mo," maya-maya ay wika nito. Doon ay niyakap din ang ama. Hanggang sa makitang nakamasid pala sa kanila si Wynn. Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD