Tulala ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto namin ni Justin. Blanko pa kanina ang utak ko at hindi ko alam kung saan nilipad ng hangin ang diwa ko. Kanina pa ako tulala at wala sa aking sarili habang si Justin ay nakahiga sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko. "Huwag mo ng isipin 'yon, honey. Kung sino man ang nagpadala ng regalong iyon ay tutugisin namin ni Daddy para sa iyo," pang-aalo ng asawa ko sa akin. Humigpit ang yakap niya sa aking baywang at masuyo niya akong hinalikan sa aking noo. Napakurap ako at parang gusto kong umiyak. I was still shocked. Sa sobrang shock ko kanina ay hindi na ako makaiyak. Nanginginig ng matindi ang aking katawan habang namumutla ako sa takot. "Erwin reviewed the CCTV. Kapag nakuha niya ang resulta ay ipapasa niya ito sa akin at makikita natin kung