Kinakabahan ako habang magkahawak-kamay kami ni Justin na naglalakad patungo sa opisina ng judge na magkakasal sa amin. Namamawis na nga actually ang kamay ko and I don't know if he notice it. "Kinakabahan ka ba, honey?" tanong ni Justin nang higitin ko ang kamay ko sa palad niya at tumigil saglit sa paglalakad. "Obviously!" Sabi ko sana ngunit iba ang sinabi ko. "S-super…" I said sighing. Pagkatapos ko 'tong sabihin ay pasimle kong pinunas sa suot kong simpleng puting dress ang aking namamasang palad. Sobrang wet na akala mo ay mayroon akong gripo rito. "Why?" tawa niya sabay pamulsa ng mga palad niya sa pantalon niya at pa-cute na ngumiti sa akin pagkatapos. "Is it because of me?" Inismiran ko lang siya at hindi sumagot. Nasabi ko na ito sa kanya kanina at ayaw ko namang paulit-uli