Kabanata 36. Practice lang daw.

1831 Words

Gabi ng party ni Angelisse. Present ang ibang kaibigan ni Kuya Storm. Iyong iba ay hindi yata makakadalo pero iyong iba ay hahabol pero hindi na para sa party. Para na lang siguro mag-inom at ihabol ang kanilang regalo. Ayos lang kung konti ang pupunta, ayaw din naman ni Angelisse ng maraming tao. Dama ko pa rin iyong pagkailang niya sa ibang kaibigan ni Kuya Storm kahit ilang beses na niyang nakausap at nakasama ang mga ito. Unang dumating si Justin sa kanila at kaagad niya akong pinuntahan rito sa aking kwarto para ako ay makita. Sabi ko mag-antay na siya sa baba dahil baka ma-bore lang siya. Tutal naroon naman ang ibang kaibigan nila kaya may kakwentuhan siya. Ang kulit lang ng lalaking ito. Mas gusto raw niya rito sa akin. Papanoorin niya kung paano pa ako mas pagagandahin ng dalawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD