"Angelisse…" pukaw ko sa atensiyon ni Angelisse nang makita ko siya na nasa garden. Nakatingin siya sa malayo at malalim ang iniisip. Kanina ko pa siya hinahanap pero rito ko lang pala siya matatagpuan. Kung hindi pa itinuro sa akin ni Nana Sita ang kinaroroonan niya ay hindi na sana ako maghahanap at magkukulong na lang sana ako sa kwarto ko. But I was too excited to talk to her. Eighteenth birthday na pala niya next week at sabi ni Kuya Storm ay iseselebra nila ito rito sa mansion. Anyway, hindi naman ganoon kabongga ang eighteenth birthday ni Angelisse Simple lang ito at saglit lang naman ang party. Kami-kami lang ang magseselebra kasama ang mga empleyado namin dito sa mansion tapos ang ilang kaibigan ni Kuya na hindi busy sa trabaho. Always present naman ang mga iyon palagi kahit a