"Better luck next time, Doc. Hayun na eh, bibigay na ako sa gusto mo pero wala ka namang singsing. Paano ba 'yan? Iyak na." Buska ni Helena sa akin sabay tawa ng malakas. Napakamot ako sa ulo ko at inis na nagmura dahil sa pang-iinis niya. Gusto kong sakalin ang sarili ko sa katangahan ko. Lagi kong dala iyong singsing. Humahanap ako palagi ng timing para mag-propose kay Helena. Kung kailan mukhang game siya sa nais ko ay saka naman ako ang hindi. Saan ko ba iyon nailagay at nakalimutan ko ngayong dalhin. Nag-isip ako saglit, tapos naalala ko na naroon iyon sa ibabaw ng table ko sa kwarto ko. She is right, better luck next time na lang talaga. Ako mismo ang naka-miss sa chance na hinihintay ko. "Ayos lang. Makakapaghintay ulit ako kung kailan ka ready. Kaya ihanda mo ang sarili mo, hone