Sabado, wala akong pasok sa HNU at day off ko naman sa LMH. Maaga pa rin akong gumising kinabukasan dahil gusto ko sanang kausapin si Kuya Storm tungkol kay Angelisse. Hindi ko gusto ang nalaman kong ginagawa niya sa babae. Napakabata pa nito para gawin niyang s*x slave. Jusko! I can't imagine myself if nasa sitwasyon ako ni Angelisse. Tapos wala ring kalayaan na magdesisyon para sa kanyang sarili ang dalaga dahil hawak ni Kuya Storm ang karapatan para magdesisyon para sa buhay nito. In short, nakasalalay sa mga kamay ni Kuya ang magiging buhay ng kawawang babae. Nagulat nga ako nang makita ko si Angelisse rito sa mansion nang nakaraan dahil ang akala ko noong una ay ibang babae iyong nakita ko na natutulog sa kwarto ni Kuya. Akala ko pa naman ay iyon na ang magpapatino sa kanya. Hindi