Naghilamos ako ng aking mukha nang tumigil na ako sa pag-iyak. Kinastigo ko pa ang aking sarili kung bakit ako umiiyak at nag-conclude agad na buntis nga si Nurse Mildred sa anak ni Justin. Hindi ko man lang naisip na gawa-gawa lang niya iyon para manggulo dahil baka hindi pa siya nakakapag-move on sa malanding doktor. Natakot ako. Akala ko mawawala na si Justin sa akin. Papunta pa lang kami sa relasyon na pinapangarap niya sa akin subalit biglang may taong biglang lilitaw para mabuwag ang pangarap niyang iyon. Pero hiling ko na sana hindi nga siya buntis. At kung napatunayan man niya na buntis siya, sana ay hindi iyon anak ni Justin. Pagkatapos kong maghilamos ay agad kong pinagmasdan ang aking mukha sa salamin. Nabura ang manipis na make up na aking in-apply sa mukha ko kanina. Kaya na