"H-Helena…huwag kang maniwala sa kanya!" Natataranta kong sabi habang hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at aaluin. Tarantang-taranta ako dahil ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak. Iyak siya nang iyak habang masama ang tingin sa akin. Ang hirap pa naman niyang patahanin. Naalala ko bigla ang ginawang pamamahiya ni Mildred sa kanya sa canteen nang buhusan niya ng sabaw si Helena. Naalala ko na ganito rin siya umiyak noon. Ngayon, si Mildred na naman ang sanhi kung bakit umiiyak ang mahal ko. "Don't cry, honey. Patutunayan ko na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng iyan!" Duro ko kay Mildred habang nagtatagis ang mga bagang ko sa galit. Naglalakad na ako palapit kay Helena at nilampasan ko si Mildred na nakangisi na tila tuwang-tuwa na makitang umiiyak si Helena. Naniniwala s