Guilty, ito ang naging hatol kay Josh nang litisin siya sa harap ng husgado nang nakaraan. Wala naman kaming nakitang pagsisi sa mukha ni Josh nang ito ang maging hatol ng husgado sa kanya. Para pa nga siyang nagmamalaki na tila wala siyang pakialam makulong man siya o hindi. Naalala ko nga na nakangiti pa ang walanghiya kong kapatid habang pinoposan na siya at nilalabas ng court room. Tapos malisyoso pa niyang tiningnan si Mildred at nagtaas naman ng middle finger sa akin na inilingan lang namin ni Daddy. Pasaway talaga at kinakahiya ko na naging kapatid ko siya sa labas. Mabuti na lang at mabait sina Jeff at Jeremy. Hindi naman siguro kami mapupunta sa ganitong sitwasyon dahil maayos naman silang napalaki ng kanilang ina. Hindi kagaya ng kay Josh na baby pa lang siya ay pinerahan na n