"Nahanap niyo ba ang asawa ko?" tanong ko agad sa dalawang katulong na inutusan ko para maghanap sa asawa ko. Kanina ko pa hinahanap si Helena sa paligid ngunit hindi ko man lang siya maispatan kahit saang parte ng mansion. Nagpunta ako sa garden doon sa madalas niyang tambayan kapag hapon. Sa may pool kung saan madalas siyang magbabad ng kanyang mga paa. And lastly sa may veranda kung saan ay nagbabasa siya ng mga paborito niyang libro sa online platform na kinaadikan niya minsan. Isa sa man sa mga lugar na ito ay wala siya. Pagbalik ko kasi sa kwarto namin kanina ay hindi ko na siya nadatnan doon. Sabi ko babalikan ko siya agad pagkaalis ng mga kaibigan ko. Kaya lang naatraso ako sa pagbalik dahil muling dumalaw si Mildred sa burol ni Josh. Nakailang ulit pa akong pabalik-balik sa kwa