Kabanata 89. Mas possessive

1633 Words

"Ngayon ang libing ng bayaw mo, hindi ka ba pupunta, Helena?" Umiling ako sa tanong ni Jasmine at hinalo ang gatas na nasa harapan ko. "Hindi naman ako kailangan doon. Tsaka alam mo namang ayaw ko munang makita si Justin," sabi ko na nakasimangot. Dito ako natulog sa kanila at himala na ang sarap ng tulog ko. Kasama ko nga pala iyong sampung bodyguard ko at pinatuloy silang lahat dito ni Kuya Sky na wala akong narinig na reklamo. Akala ko pa naman ay hindi niya sasakyan ang drama ko. Nagulat na lang ako nang sabihin niyang hindi siya magsasabi kay Justin. Hayaan ko raw siyang mabuwang sa kakaisip kung nasaan ako. Natuwa ako sa sinabi niya. Akala ko dahil sila ang sobrang close sa mga magkakaibigan ay ibubuko na niya ako. Iyon pala ay game siyang itago ako sa malanding doktor na iyon. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD