"Diyos kong mahabagin, sana po ay dinggin mo ang aking panalangin. Sana po ay gabayan mo ang aking asawa at ang kanyang mga kasama. Huwag mo po sana silang hahayaan na mapahamak. Iligtas mo po sana sila sa kapahamakan. At sana po ay magtagumpay sila sa kanilang misyon..." Taimtim kong panalangin habang nakaluhod ako paharapa sa altar dito sa kwarto namin ni Justin. I pray that they will succeed in their mission. Hopefully this time Josh will be caught and I hope all his evil plans will be over. Sana mawala na ang inggit sa kanyang puso at sana maisip niya na wala siyang mapapalang mabuti sa kanyang ginagawa. Hindi siya magiging masaya kapag may nasasaktan siyang tao. Makuha man kasi niya ang lahat ng gusto niya ng sapilitan hindi naman iyon maganda sa pakiramdam. Hindi satisfying 'ika