"Wala pa bang balita sa kapatid mo, honey?" Justin shook his head and sighed. I did the same too and smiled sadly at him. "Josh is nowhere to be found until now. Magaling talagang magtago ang gagong 'yon," nabubwisit na sabi ni Justin. Pasalampak siyang naupo sa tabi ko at saka tinanggal ang suot niyang kurbata. Ako naman ay umalis sa tabi niya at inalis ang suot niyang sapatos. "P-paano na yan, honey? Hindi na naman tayo magkakaroon ng peace of mind nito?" sabi ko pagkatapos kong tanggalin at iligpit ang sapatos niya. Kadarating lang niya galing ng presinto at mukhang kagaya last week ay wala na naman silang napala ni Daddy Joaquin. Napakabagal talagang gumalaw ng mga pulis dito sa lugar namin kapag iba ang nakaupo. Nasa bakasyon kasi ang kaibigan na hepe ni Daddy Joaquin kaya naman