Nakatitig ako sa mukha ko sa salamin na hindi makapaniwala sa nakikita ko rito. "Ako ba ito?" bulalas ko. Parang hindi ako makapaniwala na may igaganda pa pala ang mukha ko. Nakasuot na ako ng puting gown at handa na para sa magaganap na engagement party namin ni Justin. Binili pa ni Mommy itong suot kong gown sa Italya at talaga nga namang parang hinulma sa akin ang gown dahil bagay na bagay ito sa akin. Tapos na rin akong make-up-an ng make up artist kaya handa na akong lumabas kapag pinatawag na ako sa baba. Si Justin kaya? Dumating na kaya sila ni Daddy Joaquin? Ano kayang itsura niya? Mas gwapo at mas hot siguro? Lalo na kapag suot na niya iyong puti niyang tuxedo na kapareha ng gown ko. "Ate Helena, ang ganda mo! Para kang Diyosa!" tili ni Angelisse na bigla na lang sumulpot at n