Hapon. Pauwi na kami ni Justin sa bahay nila. Doon kami ngayon matutulog at bukas naman ay sa bahay namin. Kasal na lang talaga ang kulang sa aming dalawa. Kulang na lang ay itira niya ako sa bahay nila at huwag ng pauwiin. Pero siyempre huwag muna. Kailangan muna ng basbas ng simbahan bago kami magsama. Sandaling panahon na lang ang hihintayin namin. Pagkatapos ng engagement party namin ay kasal na agad ang aatupagin namin. Plano ni Justin na mag-leave kaming dalawa sa ospital para sa preparasyon ng aming kasal. Pumayag naman si Daddy dahil siya muna ang substitute ni Justin kapag may ooperahan na hindi kaya ng mga doktor nila. Tahimik ako sa aking inuupuan habang si Justin ay panay kwento ng kung ano-ano. Panay lang ang tango ko at minsan ay sumasagot ako ng oo at maikling nagre-react s