"Bakit ang tahimik mo, honey? Masama rin ba ang pakiramdam mo?" Hinaplos ko ang noo ni Justin at pinakiramdaman ito. "Hindi ka naman mainit. Bakit ang tamlay mo?" I saw Justin sigh. Nang dumating siya kanina ay sobrang tahimik na niya. Magsasalita lang siya kapag may tatanungin ako sa kanya. Tapos tumunganga na siya pagkatapos, na labis kong ipinagtataka. Naisip ko na baka pagod siya sa meeting tapos sa biyahe. Kaya hinayaan ko siya ng ilang minuto. Pero hanggang ngayon ay bagsak pa rin ang mood niya na parang ang laki ng problema na nakapatong sa kanyang mga balikat. "I'm just tired from the meeting, honey. Don't worry about me, okay? I'll be in a good mood later." Pinilit ngumiti ni Justin sa akin. Pero kita ko na hindi umabot iyon sa mga mata niya. Kanina pa siya rito sa kwarto ko.