"I'll be back, honey. Sleep tight and dream of me," bulong ko sa tainga ni Helena bago ko siya hinalikan sa kanyang noo at nagpasya na lumabas ng kwarto niya at iwan siya. Lumingon pa ako saglit sa kanya bago ko pinihit ang seradura ng pintuan at tuluyan na lumabas. Ayaw ko sanang iwan siya. Mas sumidhi iyong pagiging clingy ko sa kanya. Nang makuha ko siya kahapon ay gusto ko na lang laging nasa tabi niya. Gusto ko lagi akong nakayakap at nakatitig sa kanyang magandang mukha. Ngunit kailangan ko siyang iwan saglit, pinapatawag ako ni Daddy sa LMH. Babalik din naman agad ako. Sabi ko aalagaan ko siya. Magpapaalam na lang ako sa Daddy at Mommy niya na muli ay dito ako matulog. May biglang meeting sa ospital kaya aalis ako at hindi ko alam kung para saan iyon. Baka iyong tinanong ni Daddy