Naglalakad ako papunta sa main door ng mansion nina Justin nang bigla akong mahinto sa paglalakad. Nakita ko kasi si Director Lopez kasama ang kapatid ni Justin sa ama na naglalakad patungo sa gawi ko. Malamang pauwi na si Josh at dumaan lang dito para makipagkwentuhan sa kanyang ama. Oh baka naimbitahan siya over dinner kaya heto at late na siyang uuwi. Nakaalalay si Josh sa likod ng matanda habang ang matanda naman ay marahang naglalakad habang nakahawak naman sa braso ng lalaki. Medyo hirap kasing maglakad si Director Lopez dahil sa iniinda nitong arthritis sa tuhod. May pagkakataon na ayos naman ang lakad niya ngunit may pagkakataon na parang hirap siya dahil siguro sumisigi ang pananakit ng kanyang mga buto. Yumukod ako at bumati nang makalapit sila sa akin. "Magandang gabi po, Dad