"Nahanap niyo ba ang pinapahanap ko?" Tanong ko sa dalawang bodyguard ko na kasama kong umiikot dito sa palenke ng San Juan. Dito kami napadpad kakahanap ng prutas na pinaglilihian ni Helena. Umiling ang dalawa kong bodyguard. Napalatak ako lalo na nang marinig ko ang sinabi ng isa. "Hindi Doc. Wala namang ganoong klase ng prutas dito sa atin. Ang sabi ng mga tindera ay sa Davao raw iyon matatagpuan," wika ng mas matanda. "Davao? What the f**k?!" frustrated na bulalas ko. I know it's impossible to buy that fruit in our province. Nagbakasakali lang talaga ako dahil baka may nagbebenta. Pero sa malas wala! Tapos ni hindi ko nga rin alam kung ano ang itsura ng nasabing prutas. Iilan lang kasi ang kilala kong prutas at ang durian ay bihira kong marinig. "Yes, Doc. Doon ang origin ng pruta