Kabanata 60. Hindi na mauulit.

2042 Words

"H-honey, sorry…" nahihirapang sabi ni Justin habang pilit niya akong inaabot. Kita ko na sising-sisi siya sa nagawa niya. Ngayon pa siya magsisisi? Nasaktan na ako, umiyak na ako. "H-Helena…please. Come on, honey." Hindi naman ako umiimik habang inaalo ako ni Kuya Devin. Kainis siya! Muntik na akong maniwala! Akala ko pa naman mangyayari iyong pananakot ni Kuya Storm sa akin kanina. Iyon pala, gusto lang akong i-prank ni Justin! Ang sarap umbagin ng mukha niya. Tapos tatapakan ko iyong binti niya na sinimento. Tingnan ko lang kung hindi siya sumigaw sa sakit! Sobrang nag-aalala ako sa kanya pero siya nakuha pa niya akong i-prank! Bahala siya! Hindi ko sasabihin sa kanya na buntis ako! Manigas siya! Galit ako! Naimbiyerna ako! "H-helena, come…honey…"pilit muli akong inaabot ni Justin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD