Nagkaroon agad ng imbestigasyon sa aksidenteng kinasangkutan nina Kuya Storm at Justin ng araw din na natagpuan sila. Subalit walang naging lead ang mga pulis kung sino ang salarin kaya naman hindi makausad ang kaso hanggang ngayon. May haka-haka na baka kalaban ni Kuya sa negosyo ang nang-ambush sa kanila ni Justin. Pero tingin naman namin ni Director Lopez, may kinalaman si Josh sa nangyari. Walang ibang gagawa nito kundi siya lang dahil siya lang ang may malaking rason para ipahamak ang kanyang kapatid. Dahil kung kalaban man ito ni Kuya Storm sa negosyo, alam kong hindi na nila ito bubuhayin kasama si Justin. Patuloy pa rin ang imbestigasyon hanggang ngayon dahil ayaw itong ipatigil ni Kuya. Kinuha pa niya ang serbisyo ng agency ng kaibigan niyang si Kuya Sky para tumulong sa pagresol