“NAMAMAGA NA NAMAN ang mga mata mo. Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Hanna. You’re not…”
“I am.”
Nagpamaywang si Bella, ang kaibigan ni Hanna, kasosyo sa negosyo at assistant na rin sa pag-aari nilang flowershop.
“Alam mo ba kung ano ang tinutukoy ko?”
“Hindi.”
“E, bakit sinagot mo?”
“Ang bagal mo kasing magtanong, eh.” Hanna gave her friend a cup of steaming mug of coffee before sitting in front of her computer. Saglit niyang binuksan ang inbox ng email niya at nang makitang wala naman siyang bagong mensahe ay nag-log out na rin siya agad para buksan naman ang official email ng flowershop nila.
“May flower arrangement request tayo sa tatlong restaurant na suki natin at dalawang hotel,” wika ni Bella. “We also have five deliveries scheduled for today and ten new orders.”
“Naayos mo na ba ang mga order na ‘to?”
“Oo. Inagahan ko talaga ang pasok ngayong araw dahil alam kong marami-rami ang orders natin. Kagabi ko kasi binuksan ang email natin bago ako matulog at nakita ko ang mga bagong orders na iyan. Pero mabalik tayo sa mala-bullfrog mong mga mata—“
“I watched Hachiko last night, Bella. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang pelikulang iyon, ‘di ba?”
“You mean ang pelikulang lagi na lang balde-balde ang iniluluha mo kahit ilang beses mo nang napanuod?”
“Korek ka dyan, sister.”
Napapailing na lang si Bella. “Ewan ko sa iyong babae ka kung bakit gustong-gusto mo ng mga pelikulang mapanakit.”
“Hachiko lang naman ang pelikulang inuulit-ulit ko.”
“Ganon pa rin iyon. Masokista pa rin ang dating mo.”
Tumawa lang si Hanna. “I just love that movie. Kaya hindi ko maiwasang hindi ko panuorin kapag naaalala ko ang pelikulang iyon.”
“Love? Obsessed ka kamo.”
“Okay. I’m obsessed with that movie, kaya hayaan mo na lang ako. Alam mo namang iyon na lang ang nagpapa-iyak sa akin kaya ninanamnam ko nang husto ang mga pagkakataong nagkakaroon ako ng oras para manuod. It was what I needed these days. Dahil pakiramdam ko e natuyo na ang tearducts ko mula nang mawala si Julius.”
Hanna never shied away from talking about her ex-fiancé’s death. Sinanay talaga niya ng ganon ang mga tao sa paligid niya. Napansin kasi niya na laging naiilang ang mga ito o nagiging maingat nang husto sa pakikipag-usap sa kanya para hindi siya masaktan kapag aksidenteng nabanggit ng mga ito ang tungkol doon. Lalo lang siyang nai-stress kapag nakikita ang ganong pag-aalala mula sa mga ito.
Napansin niyang tahimik siyang pinagmamasdan ni Bella.
“What? Dumoble ba ang laki ng mala-bullfrogs kong eyebags?”
“No…”
“Good. At least walang walk-in customer natin ang masa-shock kapag nakita nila ang kumakaway kong mga eyebags.” Tumawa pa si Hanna. “Teka, hindi ko yata napapansin ang maiingay nating tauhan. Dumating na ba sila?”
“Oo, kanina pa. Maaga lang silang umalis para ihatid ang mga order na flower arrangement ng mga hotel at restaurants nating mga kliyente.”
“Sumama si Luis? Himala.” Mas gusto kasi ng helper nilang iyon na manatili sa flowershop dahil may aircon. Lalo na ngayong tag-init. Kaya nagtaka na bigla itong sumama sa deliveries nila.
“Siya pa nga mismo kamo ang nag-volunteer. Gusto raw niya ma-promote as official delivery boy natin, eh. Lagi kasi iniinggit ni Ernie sa mga nakukuhang tip mula sa mga customer kapag naghahatid ng mga order.”
“Understandable.”
“Hanna.”
“Hmm?”
“Okay ka ba talaga? You know, puwede ka naman um-absent ngayon. O kung gusto mo, magbakasyon ka kahit isang linggo. Ayos lang ako na mag-isang patakbuhin itong shop.”
Hanna picked up her cup of coffee. “Hindi ko naman kailangan ng bakasyon. Ang kailangan ko, distraction. Maraming-maraming distraction. Meaning, kailangan natin ng mas maraming customer at kliyente. Kaya kailangan kong magtrabaho nang husto rito para pagdating ko sa bahay, plakda na ako sa pagod at hindi na magkakaroon pa ng oras para magpakalunod uli kay Hachiko.”
“Kung ganon, naaalala mo siya…”
“Araw-araw naman. Hindi ko lang masyadong pinapansin kasi madami tayong trabaho.”
“You’ve been way too busy since Julius…since he left. Ni hindi kita nakita na nakapagluksa nang maayos--”
“Nagluluksa ako sa sarili kong paraan, Bella. Kaya hindi ko kailangan ng bakasyon just for that. Mas kailangan ko ng trabaho for distraction na lang talaga. Ayokong malugmok na lang sa lungkot lagi.” Saglit nyang sinulyapan ang kaibigan. May pag-aalala na naman sa mukha nito kaya ngumiti lang si Hanna. “I’m fine. Don’t worry about me, okay? Sinasabi ko naman sa iyo kapag hindi na ako okay, ‘di ba?”
Half true. Dahil ilang beses na rin niyang itinago sa kaibigan ang mga pinagdadaanan niya tuwing hindi na niya nakakayanan ang lungkot sa pagkawala ng dating kasintahan.
I’m sorry, friend. Pero kaya ko pa naman. At least for now.
“Sige na nga. Naniniwala na ako sa iyo. Basta kapag kailangan mo ng kausap, sabunutan mo lang ako. I’ll be by your side hanggang sa magsawa ka sa ganda kong ‘to.”
“Thank you.”
“At hindi na rin kita kokontrahin sa obsession mo kay Hachiko. Kung iyon ang nakakapagpasaya sa iyo. Although hindi ko alam kung paano kang napapasay nun lagi ka lang namang umiiyak.”
“It’s a good movie.”
“Marami ring ‘good movie’ na hindi ka iiyak tuwing pinapanuod mo. Gaya ng Avengers.”
“Naiyak ako sa Infinity War at End Game.” Natawa na lang siya nang eksaherado siyang irapan ng kaibigan. “Love you, bes.”
“Love you too.” Nag-flying kiss pa si Bella.