“Ay, oo nga pala," wika uli ni Bella. "Tumawag ang Mama mo ngayon-ngayon lang. Bakit hidni mo raw sinasagot ang cellphone mo. Kanina ka pa raw niya tinatawagan.”
“Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko nang tawagan siya kanina pagkatapos kong maligo.” Tumayo na si Hanna bitbit ang cellphone at nagmamadaling lumabas ng flowershop para tawagan ang numero ng ina.
The bright light of the morning sun washed her sleep-deprived face as she stepped outside. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil halos mag-a-alas otso pa lang ng umaga. At dahil wala sa main road ang shop nila, bukod pa sa karamihan sa mga nakapaligid na residential areas doon ay mga private subdivisions at villages, kaya halos walang dumadaang sasakyan sa harapan nila na nakakasira sa katahimikan ng lugar na iyon. Pero ilang sandali na lang ay siguradong magiging parang nasa oven na naman ang panahon. Nasa kalagitnaan pa rin kasi ng tag-init ang Pilipinas.
But she also noticed black clouds forming in the sky nearby, very much in contrast with the bright morning sun. Uulan pa yata sa kalagitnaan ng summer.
Kakaiba na talaga ang panahon ngayon.
She was waiting for her mother to pick up her call when she looked up at the narra tree nearby. Napansin niya ang tila mga dilaw na maliliit na bagay sa paanan ng puno. Mukhang nag-uumpisa na ulit mamulaklak ang mga narra.
One single, little yellow petal flew in front of her. She reached out a hand and caught it in her palm. She didn’t know why, but it just made her smile seeing that petal in her hand.
“Hello, Hanna, hija. Mabuti naman at nagparamdam ka na.”
“Ma, naman. Saglit nyo lang hindi narinig ang boses ko nagtampo na kayo agad.”
“I just got worried kasi hindi ka sumasagot kanina pa sa mga tawag ko.”
“Naliligo pa yata ako nang tumawag kayo. Nakalimutan ko naman mag-call back dahil naging abala na ako sa pag-alis ng bahay papuntang shop. May problema ba, Ma? Bakit kayo napatawag--”
“Ate Hanna!”
Nailayo niya ng bahagya ang cellphone sa kanyang tenga nang marinig ang matinis na boses na iyon ng nakababatang kapatid na si Shaila sa kabilang linya. “Okay, bingi na ako.”
“Sorry! Na-miss lang kita! Kamusta ka na? Inagaw ko nga pala kay Mama ang cellphone nang sabihin niyang ikaw ang tumatawag.”
“Alam ko. Kaya nga ikaw ang kausap ko ngayon, eh. Okay lang naman ako. At anong masamang hangin nga pala ang nagbalik sa iyo rito sa lupain ng mga magaganda at guwapo? Akala ko ba wala ka nang balak na tumapak uli sa bansang ito mula nang lokohin ka ng boyfriend mong mukhang paa?”
“Wala akong naging boyfriend na chararat, ‘no? Past or present.”
“Nakalimutan mo lang.”
“Nakalimutan ko na,” pagtatama nito. “Kaya nga masaya na uli akong nagbabalik dito sa bansa ng mga guwapo at magaganda, where I truly belong. Anyway, nasaan ka ba, Ate Hanna? Umuwi ka na rito sa bahay. Now na. Marami akong pasalubong sa iyo. Oh, you’ll love it! Ito ang latest fashion trend ngayon sa Paris! Siguradong kapag isinuot mo ito, maraming magkakandarapang guwapo sa iyo—“
“Hanna, ang Ate Clara mo ito.” Mukhang ang nakatatandang kapatid naman ang nang-agaw ng cellphone sa bunso nila. “Kung itatanong mo kung ano ang nangyari kay Shaila, ipinakulong ko na siya sa mga pamangkin mo doon sa banyo. Para wala nang maingay dito sa atin.”
Napangiti na lang siya nang marinig ang malakas na boses ni Shaila sa background. “My dear children, nakakapagsalita pa rin ang Tita Shaila nyo. Busalan nyo na ang bibig nyan.”
“What’s ‘busalan’, Mommy?”
“Put something in her mouth.” Hagikgikan na ng mga pamangkin niya ang narinig ni Hanna. “Anyway, Hanna, gaya nga ng sabi ni Shaila kanina, hayaan mo na lang muna kay Bella ‘yang shop nyo ngayong araw. Tutal naman isang beses isang taon lang naman tayo nagkakasama-sama, maiintindihan na siguro iyon ng kaibigan ni Bella. Or better yet, isara na muna ninyo ang shop nyo at pumunta kayong dalawa ngayon dito sa bahay. Let’s celebrate together. Matagal-tagal na rin naman mula nang magkakasama tayo sa iisang okasyon.”
Ngayon lang niya naalala na anniversary na nga pala ng kamtayan ng kanyang ama. Kaya nasa bansa na uli ang mga kapatid niya na mga naka-base na sa ibang bansa at paminsan-minsan na lang umuuwi ng Pilipinas.
“I’ll ask Bella kung gusto nyang sumama. Kapag pumayag siya, we’ll be there as soon as matapos na namin ang mga importanteng trabaho. Nariyan ba kayo sa bahay natin sa Quezon City?”
“Oo. Dito na muna kami mag-stay ng dalawang araw. Then saka kami tutuloy sa Tagaytay.” Nasa Tagaytay ang ancestral house ng pamilya nila kung saan naroon din ang flower farm na mina-manage ng kanilang ina. “Two weeks ang bakasyon namin. Sana naman makasama ka namin ng matagal-tagal this time, ha? Nami-miss ka na namin ng mga pamangkin mo. Muntik na akong makulili sa kakatanong ng dalawang iyon sa eroplano pa lang.”
“Sina Millie at Maegan lang ang naka-miss sa akin?”
“Oo.”
“Itatakwil kitang kapatid.” Pero napapangiti na lang si Hanna dahil alam niyang na-miss rin siya ng nakatatandang kapatid. “I miss you too, Ate. ’ll see you, all, later.”
“Okay. Wait. You’re still using your motorbike?”
“Sa traffic situation ng Metro Manila, ‘yung pagmo-motor na ang pinaka-convenient mode of transportation dito, Ate.”
“Kaya pala nagsusumbong na naman si Mama. Lagi na lang daw kasi siyang nag-aalala kapag naiisip ka niya. Dahil binalikan mo na na naman ang pagmo-motor mo.”
She couldn’t blame her family. Minsan na kasi siyang na-involved sa isang motorcycle accident kaya nga niya tinigilan na ang pagmo-motor. Gayunman, hindi niya ibinenta ang motorbike dahil hindi pa niya maatim na mawala iyon sa kanya. Which was a good thing dahil nang minsang mabuwisit siya sa trapik na naranasan nang papunta siyang Pasig, nag-desisyon siyang mag-motor na lang uli. And there she rediscovered the joy of riding motorbikes once again. Hindi na nga lang kasing dalas gaya ng dati ang pagmo-motor niya para lang hindi mag-aalala ang kanyang ina. Sa tuwing may pupuntahan lang siyang lugar na mapapadaan sa matatrapik na main roads saka niya ginagamit ang motorbike niya.